Dismissal order mula Ombudsman, hindi pa natatanggap ng kampo ni Iloilo City Mayor Mabilog

Manila, Philippines – Wala pang natatanggap na kopya ng dismissal order mula sa Office of the Ombudsman ang kampo Ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Ayon kay Atty. Mark Piad, Spokesman ni Mabilog, nalaman lamang nila na may inilabas na kautusan sa mga balita sa radyo at telebisyon.

Aminado si Piad na hindi pa niya nakakausap si Mabilog pero naninindigan ang alkalde na wala siyang kinalaman sa iligal na droga at sa ligal na paraan lumago ang yaman ng kanilang pamilya.


Handa naman silang umapela sa Court of Appeals o sa Supreme Court para maglabas ng temporary restraining order.

Facebook Comments