Presidential Son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, magreretiro na?

Manila, Philippines – Magreretiro na sa pulitika si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa 2019.

Nagpasya si Duterte na tapusin na lamang ang kanyang termino matapos makitang umiiyak ang kanyang anak na babae na si Sabina at ang asawa dahil sa naging akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na miyembro siya ng drug syndicate.

Inindorso naman niya ang bayaw na si Atty. Manases Carpio na kwalipikadong mamuno sa Davao City habang posible rin sumabak sa pulitika ang kapatid nilang si Sebastian “Baste” Duterte.


Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na wala siyang balak na tumakbong senador sa 2019 pero plano niyang kumandidato bilang kongresista ng 1st district ng Davao City.

Facebook Comments