Manila, Philippines – Bumuo na ng panibagong investigating panel ang DOJ para i-review ang pagbasura ng drug charges laban kina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal. Pangungunaan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera ang panel kasama sina Prosecutor Ana Noreen Devanadera at Prosecutor Atty. Herbert Calvin Abugan. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – hawak ng grupo ang Motion for Reconsideration na inihain ng PNP laban sa mga akusado. Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Harry Roque – wala itong epekto sa drug case na kinakaharap naman ni Senator Leila De Lima. Hindi naman magiging bahagi ng panel si Acting Prosecutor General Jorge Catalan na siyang nag-absuweltuhin sa mga respondents.
DISMISSED DRUG CASES | DOJ, bumuo na ng panibagong investigating panel para pag-aralan muli ang ibinasurang kaso laban sa grupo ni Kerwin Espinosa
Facebook Comments