Displaced Business Owners at Workers, Naayudahan ng LGU Ilagan City

Cauayan City, Isabela- Aabot sa walong (8) quarantine facilities ang inilaan ng Lokal na Pamahalaan ng Ilagan dahil sa patuloy na dumaraming bilang ng mga umuwing Locally Stranded Invidual at Returning OFWs.

Ito ang inihayag ni City Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz matapos pansamantalang itinigil ang ‘Balik-Siyudad’ Program ng LGU sa loob lang ng 15-araw upang mas magkaroon ng katiyakan na maaalagaan ng mabuti ang mga ito.

Sa katunayan, bumili ng 1,000 piraso ng Rapid Test kits ang LGU para sa pagsasailalim sa mga uuwing OFW at LSI.


Nagdagdag rin ng tatlong (3) pasilidad subalit 100 katao lamang ang kayang umokupa dito para mapanatili pa rin ang pagsunod sa mga health protocol.

Samantala, namigay din ng tulong ang Lokal na Pamahalaan sa mga informal vendors, displaced business owners at workers.

Inatasan na rin ng alkalde ang lahat ng mga barangay sa lungsod na ibalik ang mga naunang inilatag na checkpoint para sa mga papasok na ibang tao sa kani-kanilang lugar.

Facebook Comments