Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyong nagpapadiskwalipika kay dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagtakbo bilang representative ng 1st district ng Taguig City.
Batay sa resolusyon ng Comelec 2nd Division, walang pagkakamali si Cayetano nang maghain ito ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).
Sa petisyon kasi na inihain noong Nobyembre, kinuwestyon ni Loenides Buac ang pagiging residente ni Cayetano ng Barangay Bangumbayan na nasa unang distrito ng Taguig City gayung ang asawa nitong si Mayor Lani ay nakatira sa Barangay Fort Bonifacio sa ikalawang distrito kung saan ito tumatakbong kongresista.
Giit ng poll body, hindi masasabing hindi na nakatira si Cayetano sa bahay nito sa Barangay Bagumbayan dahil lamang lumipat na ang asawa nito sa Two Serendra.