Arrest warrant laban kay Daraga Mayor Baldo, inilabas ng Legazpi RTC

Naglabas ng arrest warrant ang Legazpi Regional Trial Court Branch 10 laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo kaugnay sa pagpaslang kay Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe at sa police escort nito.

Ayon kay Brig. Gen. Arnel Escobal, regional director ng Bicol police, inisyu ni Legazpi RTC Branch 10 Judge Maria Theresa Loquillano ang arrest warrant laban kay Baldo sa dalawang bilang ng kasong murder.

Nauna nang iginiit ni Baldo na inosente siya sa kaso ng pagpaslang sa kongresista.


Naaresto si Baldo noong Enero dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensiyadong baril pero nakalaya rin matapos magpiyansa.

Facebook Comments