Disqualification cases laban kay BBM, dapat tapusin na agad – dating COMELEC chairman

Dapat nang tapusin agad ng Commission on Elections (COMELEC) ang disqualification cases na inihain laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay dating COMELEC Chairman Christian Monsod, hindi na dapat magkaroon ng delay sa proseso lalo na’t ang pagkapangulo ang pinakamahalagang posisyon sa bansa.

Matatandaang nasa pitong petisyon ang inihain sa COMELEC laban kay Marcos upang harangin ang pagtakbo nito bilang pangulo sa 2022 elections.


Sa bilang na ito, apat ang nais na i-disqualify si Marcos, dalawa ang gustong kanselahin ang kaniyang Certificate of Candidacy at isang humihiling na ideklara ang dating senador na isang nuisance candidate.

Facebook Comments