Disqualification petition laban kay senatorial candidate Erwin Tulfo, ibinasura ng Comelec

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang ikalawang petisyon na humihiling na i-disqualify si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na kumakandidato sa pagka-senador ngayong midterm elections.

Batay sa kopya ng desisyon ng Comelec First Division, nabigo ang petitioner na magsumite ng kopya ng petisyon sa respondent.

Ibig sabihin, hindi nasunod ang mandatory requirement na nauwi sa pagbasura sa petisyon.


Inihain ang petisyon noong nakaraang buwan na layong ipa-disqualify si Tulfo dahil sa moral turpitude matapos itong ma-convict sa apat na counts ng libel noong 2008, habang kinukuwestiyon din ang kaniyang citizenship, kwalipikasyon, at ang pagbabawal sa political dynasty sa ilalim ng batas.

Una nang ibinasura ng poll body ang petisyon na inihain naman ng isang Virgilio Garcia na humihiling naman na i-disqualify ang iba pang mga Tulfo na tumatakbo sa halalan sa Mayo.

Facebook Comments