
Walang nakikitang dahilan ang Philippine Army (PA) para magsagawa ng loyalty check sa mga sundalo.
Ito ang sinabi ni PA Spokesperson Col. Louie Dema-ala sa kabila ng ingay sa politika at pagkaka aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dema-ala, committed ang buong hanay ng Hukbong Katihan sa kanilang mandato na ipagtanggol ang kalayaan at soberenya ng bansa at tumalima sa Chain of Command.
Pinabulaanan din ni Dema-ala ang ilang reports na may nagbibitiw na mga sundalo dahil sa pagkakaaresto sa dating pangulo.
Aniya, wala sa kanilang hanay ang nagbitiw sa serbisyo dahil mananatili silang tapat sa konstitusyon at sa taumbayan.
Facebook Comments