Mahigpit na minomonitor ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mababang dissolved oxygen level sa mga baybayin ng Western Pangasinan.
Sa mga bayan ng Bolinao at Anda, naitala ang mababang antas ng dissolved oxygen, na maaaring magdulot ng epekto sa kalusugan ng mga isda at iba pang yamang-dagat.
Samantala, nakitaan naman ng Amnesic Shellfish Toxin ang barangay Lucap, Cayucay, Pangapisan, at Mona sa Alaminos City.
Bukod dito, natukoy rin ang presensya ng Diarrhetic Shellfish Toxin at planktons sa mga sampling stations ng Alaminos, Anda, Bani, Sual, at Bolinao, na kilala bilang sanhi ng fishkill.
Dahil dito, pinaalalahanan ng BFAR ang mga fish cage owners sa mga nabanggit na lugar na paigtingin ang pagbabantay at pangangalaga sa kanilang mga fish cage upang maiwasan ang mas malaking abala at posibleng pinsala.
Patuloy namang sinusubaybayan ng ahensya ang sitwasyon upang agad na makapagbigay ng nararapat na aksyon*. *| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments