Distressed Filipinos sa UAE na may karamdaman, prayoridad sa repatriation ng pamahalaan

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi, United Arab Emirates na prayoridad nila sa repatriation ang mga Pinoy na may medical cases.

Partikular ang mga Pinoy na nangangailangan na agad na makauwi ng Pilipinas para sa kanilang medical condition.

Una nang napauwi sa bansa ang 359 na Pinoy repatriates mula sa Dubai at Abu Dhabi kung saan ilan sa mga ito ay may medical cases


Pagdating nila sa bansa, agad silang inalalayan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments