Manila, Philippines – Hinimok ng OWWA ang mga umuwing distressed OFWs na makipag ugnayan sa kanila.
Ito ay para mabigyan ng puhunan para sa kanilang sisimulang negosyo.
Mula kasi sa sampung libong pisong tulong pinansyal para sa distressed ofws ay itinaas ito ng OWWA sa dalawanpung libong piso.
Ito ay sa ilalim ng “Balik Pinas,balik hanapbuhay” program ng ahensya.
Ang kailangan lamang gawin ng distressed OFWs ay magpakita ng mga dokumento na magpapakita na sila ay nagtrabaho sa ibayong-dagat.
Facebook Comments