Distribusyon ng ayuda, ilatag at pag-isipan nang maayos — VP Leni

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na gawing sistematiko at pag-isipang maigi ang distribusyon ng ayuda sa mga pamilya.

Ito ay sa gitna ng pagsailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa magtatagal hanggang sa ika-20 ng Agosto.

Ayon kay VP Leni, dapat na ilatag nang maigi ang distribusyon ng ayuda para sa mahihirap na pamilya para manatili silang ligtas sa pagkalat ng sakit.


Hinikayat naman ni VP Leni na gawing aktibong bahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga barangay sa pag-aayos ng listahan ng mga benepisyaryo dahil sila ang mas nakaalam ng mga residente sa kanilang lugar.

Habang nasa ilalim ng ECQ at MECQ ang Metro Manila at iba’t ibang probinsya, umaasa ang pangalawang pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya, para punan ang mga kakulangan sa healthcare sector at sa ekonomiya para makontrol ang isa na namang surge ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments