Inihayag ng isang dating mambabatas sa La Union ang pagpapabilis ng distribution ng incentives at rewards ng mga atleta sa lalawigan na hindi pa rin natatanggap hanggang sa kasalukuyan.
Tinalakay ang naturang usapin sa ginanap na session ng Sangguniang Panlalawigan matapos umanong mapag-alaman na matagal nang hinihintay ang naturang tulong pinansyal.
Layunin umano ng programa na mabigyan ng pagkilala ang mga sakripisyo ng mga atleta sa lalawigan dahilan para hindi dapat i-delay ang pagbibigay nito.
Inirerekomenda ang pagbisita sa existing rules and regulations ng naturang programa upang maibigay ito sa Tamang panahon at maging tapat sa pinagmumulan ng pondo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









