100% nang tapos ang Quezon City Local Government Unit (LGU) sa pamamahagi ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay City Administrator Michael Alimurung, nakapamigay na sila ng umabot sa P3.02-billion na cash assistance sa may 377,584 pamilya mula ng pasimulan ang programa.
Abot naman aniya sa P23.5-million ang naibalik mula sa mga residente na nagsauli ng pera.
Karamihan sa mga ito ay nakatanggap na ng financial assistance mula sa Social Security System (SSS), Department of Labor and Employment (DOLE), o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa ngayon, naghahanda na ang QC LGU sa pamamahagi ng cash assistance sa eligible families na nasa ‘wait-list’.
Tiniyak din nito na makakatanggap din ng cash assistance ang qualified families na hindi napasama sa listahan ng DSWD-SAP dahil sa limitadong pondo.
Mayrooon naman aniyang Quezon City SAP kung saan mabibigyan ang mga ito ng P4,000 cash assistance habang ang iba pang mahihirap na sektor ay makakaasa na makakuha ng P2,000 sa ilalim ng Kalingang QC program ng LGU.