Distribusyon ng suplay na bigas sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly, sinimulan na ng NFA

70
Photo Courtesy: National Food Authority

Nagsimula nang maglabas ng suplay na bigas ang National Food Authority (NFA) para sa mga lugar na matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.

Naglabas ang NFA Cavite General Trias warehouse ng 1,400 bags ng bigas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4-A para ipamahagi sa mga residente na naapektuhan ng kalamidad.


Base sa ulat ng DSWD Region 4-A, hanggang kagabi ay umabot pa sa bilang na 5,294 na pamilya o 19,898 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Rolly mula sa 53 bayan sa CALABARZON.

Sa kabuuang bilang, 5,060 pamilya ay nakakanlong pa sa 237 na mga evacuation centers sa rehiyon.

Facebook Comments