Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan na nasa 15.21% na sila sa pamamahagi ng pera mula Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga beneficiaries nito.
Ayon kay San Juan Mayor Francisco Zamora, kung noong una ay nangulelat sila sa ranking ng mga lungsod sa Metro Manila sa compliance nito sa pamamahagi ng SAP, pero ngayon titiyakin anya na matapos ito bago mag May 7.
Ang San Juan City ay merong 16,309 SAP beneficiaries na aprobado ng DSWD.
Mula sa nasabing bilang, 2,481 na pamilya ang nakatanggap ng nasabing financial assistance ng national government.
Ngayon araw, batay sa tala ng lungsod, limang barangay na ang natapos nang bigyan ng SAP at may siyam pang barangay na natitira na hindi pa naibibigay ang nasabing tulong pinansyal ng DSWD.
Samantala ang San Juan City ay merong 242 na confirmed cases ng COVID-19, kung saan 36 dito ay nasawi at 52 naman ang mga gumaling na.
Umabot naman sa 245 ang bilang ng mga suspected cases sa lungsod.