Navotas City, isasailalim sa Extreme ECQ sa araw ng Miyerkules

69

Simula sa araw ng Miyerkules ay isasailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang kanilang kontribusyon sa gobyerno habang may 11 araw na lamang ang nalalabi bago magbaba ng desisyon kung idedeklara ang General Community Quarantine o palalawigin pa ang ECQ sa Metro Manila.


Aniya, ito ang ikalawang pagkakataon para mapababa nila ang COVID-19 sa lungsod.

Sa ilalim ng Extreme ECQ, kokontrolin ang daloy ng mga tao sa palengke.

Magpapatupad ang Navotas LGU ng pagpapalit palit ng araw ng pamamalengke at ang pagsasara ng palengke sa araw ng linggo para makapagsagawa ng disinfection.

Facebook Comments