Districts at units ng Philippine Coast Guard, inalerto sa posibleng mga sasakyang pandagat na may sakay na carrier ng Delta variant

Inalerto ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral George Ursabia Jr., ang lahat ng districts at units ng PCG sa buong bansa.

Ito ay para i-monitor ang mga sasakyang pandagat na posibleng may pasahero o crew na carriers ng Delta variant ng COVID-19.

Partikular na inalerto ni Commandant Ursabia ang mga tauhan nito na nasa Philippine borders malapit sa Indonesia at Malaysia o sa Southern part ng Pilipinas kung saan ang naturang mga bansa ay may malaking kaso ng Delta variant.


Ang direktiba ni Ursabia ay kasunod ng pagkakapasok sa bansa ng dalawang sasakyang pandagat mula Indonesia na may 12 crew members na positibo sa COVID-19.

Nasa kalagitnaan na ng kanilang paglalayag ang MT Clyde at ang barge na Claudia nang abisuhan sila na positibo ang 12 sa mga crew nito.

Facebook Comments