Ilang Filipina celebrities, kabilang sa Miss Universe Philippines 2021

135

Inilabas na ng Miss Universe Philippine Organization ang listahan ng mga 100 pangalan ng mga kandidatang sasabak sa Miss Universe Philippines 2021.

Pasok sa Top 100 candidates ang ilang Pinay celebrities kabilang ang former PBB housemate na si Kisses Delavin at Asia’s Next Top Model Cycle 5 grand winner Maureen Wroblewitz.


Una nang nag-trending ang pangalan ni Kisses sa social media matapos na ilabas ng Aces & Queens ang teaser ng aspiring beauty queen na nag-train sa kanila para sa Miss Universe Philippines pageant.

Kasama rin nilang makikipagtagisan para sa Top 30 ng pageant ang ilang pageant veterans gaya nina Miss Globe 2019 2nd runner-up Leren Mae Bautista at Binibining Pilipinas Tourism 2012 Katrina Dimaranan.

Gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 sa Setyembre 25.

Facebook Comments