DITO , AMINADONG ‘INFERIOR’ ANG SERBISYO SA SMART, GLOBE

 

SA GITNA ng pagsisikap na kilalanin na nakatulong sa pagpapahusay ng telecommunications service sa Filipinas, inamin ng isang mataas na opisyal ng Dito Telecommunity na ‘inferior’ ang serbisyo nito sa Globe Telecom at Smart Telecommunications.

Ang pag-amin ay ginawa dalawang buwan makaraang ilunsad ang Dito sa bansa.

Sinabi ni Dito chief technology officer Rodolfo Santiago noong Lunes na kailangan nilang pagbutihin ang connectivity speeds sa mga lugar na mahirap maabot at paganahin ang kanilang SIM cards sa mas maraming mobile phones.


“Medyo challenging nga ‘yun para sa amin kasi nga we have established a new technology, we don’t have 2G or 3G anymore. ‘Yung mga luma na still using 2G and 3G, mukhang talagang hindi siya puwede for our services,” wika ni Santiago sa media briefing sa paglulunsad ng serbisyo ng Dito sa Metro Manila.

“This also includes older generation phones, or those that use keypads rather than touch screens. Another pain point is the compatibility of voice over LTE (VoLTE) services which the network offers for video calls which operate on voice call technology, not needing the internet or online messaging apps.

“There are phones that cannot utilize 100% of the services of Dito,” dagdag ni Santiago, at sinabing “varying standards used by gadget makers could cause ‘very small technical issues’ which may affect user experience.

“To be honest, in some areas that we have some challenge in terms of our rollout, we may not be superior to the incumbents,” ani Santiago.

Samantala, sinabi ni Dito chief executive officer Dennis Uy na ang third telco player ay ‘accessible‘ na ngayon sa 100 bayan at lungsod sa bansa at mayroon nang 500,000 subscribers sa unang dalawang buwan ng operasyon nito.

“5G connectivity is not yet available, but will be coming soon along with postpaid plans,” ayon1 kay Dito chief administrative officer Adel Tamano.

Inamin ni Tamano na hindi pa perpekto ang kanilang serbisyo, habang sinabi ni Santiago na may ilang lugar na nananatiling mahina ang connectivity.1

Ayon sa Dito, mahigit 3,000 cell towers na ang kanilang naipatayo at palalawakin pa ang coverage upang tuparin ang kanilang pangako na magkakaloob ng internet speeds na hindi bababa sa 55 megabits per second (Mbps) sa mahigit kalahati ng populasyon sa Hulyo ngayong taon.

Nangako ang Dito na maghahatid ng minimum average broadband speed na 27 Mbps sa unang taon ng operasyon nito, at mako-cover ang 37 percent ng populasyon ng bansa.

Facebook Comments