DALAWANG BAGONG PANGANAK NA INA SA MANGALDAN, KABILANG SA BAGONG KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN

17

MANGALDAN, PANGASINAN – Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang bagong panganak na ina sa bayan ng Mangaldan.

Ayon sa lokal na pamahalaan isang 29 taong gulang mula sa barangay Alitaya at 33 taong gulang mula sa barangay Salaan ang nanganak sa isang ospital sa lungsod ng Dagupan ang mga pasyente.


Isinailalim sa RT-PCR test ang kanilang swab specimen at napag alaman na nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Hinihintay naman ang resulta ng swab test ng mga anak ng pasyente.
Sa tala ng bayan, 358 na dito ang kabuuang kaso ng COVID-19, 302 ang gumaling, 35 ang nasawi at 21 ang aktibong kaso.

Facebook Comments