Aminado ang ikatlong telco player sa bansa na DITO Telecommunity na hindi pa nila maseserbisyuhan ang ilang lugar sa bansa dahil sa kapos sa oras at epekto ng COVID-19 pandemic.
Matatandaang hinamon ni Senator Grace Poe ang DITO na maghatid ng serbisyo sa mga malalayo at mga liblib na barangay.
Ayon kay DITO Chief Technology Officer Rodolfo Santiago, binigyan lamang sila ng isang taon para maabot ang 37% ng population coverage.
Ipaprayoridad nila ang mga lugar na maraming populasyon tulad ng Metro Manila, Cebu at Davao City.
Malabo pa aniyang magkaroon ng serbisyo sa mga “unserved” at “undeserved” areas.
Pero tiniyak ni Santiago na hindi nila hahayaang patawan sila ng multa dahil sa hindi pagsunod sa kanilang commitments.
Pagtitiyak din ng DITO na nananatiling on-track sila para sa kanilang commercial launch sa Marso ng susunod na taon.