VP Robredo, walang isinasagawang peace talks sa NDFP

Nilinaw ng Office of the Vice President (OVP) na wala silang isinasagawang peace negotiations sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ay matapos kumalat sa social media ang ulat na nagkikipagnegosasyon si Vice President Leni Robredo sa communist group.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, bagama’t mahalaga ang peace talks sa pagresolba ng mala-dekadang habang hidwaan, dapat isagawa ito sa pamamagitan ng official at formal channels.


Binigyang diin ni Gutierrez, mananatili ang posisyon ng OVP kasunod ng suspensyon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF at hindi ito magbabago.

Bago ito, nakiusap si Robredo sa publiko na tumulong na isumbong ang mga fake news na nagre-red tag sa kanya sa social media.

Nanindigan ang Bise Presidente na hindi siya taga-suporta ng mga rebeldeng komunista.

Facebook Comments