DIUMANO’Y MODUS OPERANDI SA BAYAN NG LAOAC, INIIMBESTIGAHAN NA NG AWTORIDAD

Iniimbestigahan nang awtoridad ang di umano’y isang modus operandi sa bayan ng Laoac.
Ito ay matapos ilabas ng gobernador ng Pangasinan na si Gov. Ramon Guico III ang nakarating sa kanyang tanggapan na mayroon umanong nagaganap na bentahan ng ticket para sa isang programa na kaugnay sa Federalismo sa darating na June 23, 2023 sa Auditorium na dadaluhan umano ni Senador Robin Padilla.
Ayon pa sa post ng gobernador, napag-alaman na si Engr. Jong Cervantes ang umano’y nagbebenta ng sampung ticket sa mga kapitanes ng bayan ng Laoac kung saan ang isang ticket ay nagkakahalaga ng P300.00.

Ayon pa sa gobernador, hindi umano otorisado ang naturang pagbebenta ng nasabing tao kung saan ito ay para makakolekta ng pera at manloko.
Agad itong isinangguni sa PNP upang agad na mapigil ang iligal na gawaing ito.
Samantala, sa naging panayam ng IFM Dagupan sa mga kawani ng PNP Laoac, patuloy umano sila sa pangangalap ng impormasyon at ebidensya maging ang mga CCTV footages sa pinangyarihan ng umano’y bentahan sa Brgy. Anis sa nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments