Pinalawig pa ng Malacañang hanggang June 12, 2021 ang pag-divert ng inbound international flights ng Mactan-Cebu International Airport patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin nito na maayos ang implementasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) arrival policy sa Cebu.
Matatandaang ipinag-utos ng Office of the Executive Secretary ang diversion ng mga biyahe ng eroplano pa-Mactan-Cebu patungong NAIA mula May 29 hanggang June 5, 2021.
Batay sa patakaran ng Cebu Local Government Unit (LGU), agad isinasailalim sa COVID-19 test ang mga biyaherong dumarating doon at istriktong home quarantine lamang dahil sa limitadong hotels na nagsisilbing isolation at home quarantine na malayo sa ipinatutupad na quarantine protocols ng IATF.