Diversionary tactic, posibleng paraan na gagamitin ng mga manggugulo sa SONA

Manila, Philippines – Hinihinala ng Kamara na gagamit ng diversionary tactic ang mga sindikato ng droga at mga grupo na sangkot sa terorismo para maibaling ang atensyon ng mga otoridad sa mismong araw ng SONA ng Pangulo sa July 24.

Ayon kay House Sgt. at Arms Lt.Gen. Roland Detabali, bagamat wala pang malinaw na impormasyon na natatanggap ay isa ito sa pinaghahandaan sa SONA ng Presidente.

Sinabi ni Detabali na ang pag-divert sa atensyon ng mga otoridad ang hinihinala nilang gagawin ng mga nabangga ng Pangulo sa kanyang war on drugs at pagtugis sa terorismo upang mabawasan ang mga magbabantay sa seguridad sa SONA.


Paraan aniya ito para maiparamdam sa Pangulo na nariyan pa rin ang presensya ng iligal na droga at terorismo sa bansa.

Pagtitiyak ni Detabali na pinaghandaan nila ang mga ganitong senaryo ng panggugulo kung saan may contingency plan sila at hindi maaapektuhan ang bilang ng mga pulis at sundalo na magse-secure sa Kamara.

Siniguro pa ni Detabali na walang banta sa loob at labas ng Batasan maging sa buhay ng Pangulo at dinoble na nila ang seguridad kung saan sinisimulan na rin ang paghihigpit ngayon sa Batasan Complex.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments