DIVISION SCHOOLS PRESS CONFERENCE SA LUNGSOD NG CAUAYAN, PORMAL NG SINIMULAN

Cauayan City – Pormal ng sinimulan ngayong araw, ika-11 ng Oktubre ang Division Schools Press Conference 2024 sa lungsod ng Cauayan.

Naganap ang opening program sa Cauayan City Stand Alone Senior Highschool kung saan dumalo rito ang mga student journalists mula sa iba’t-ibang pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng Cauayan.

Ang DSPC 2024 ay mayroong temang “The Role of Campus Journalism in the AI World” na siyang napapanahon lalo pa’t patuloy ang pag-usbong ng modernong teknolohiya hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.


Bitbit ang kanilang angking talento sa larangan ng dyornalismo, ibibida ng mga kalahok ang kanilang kahusayan sa ilang kategorya katulad ng news, feature, at sports writing, broadcasting, cartooning, copy reading, at marami pang iba.

Samantala, magtatagal naman ang kompetisyong ito hanggang sa araw ng linggo, ika-13 ng Oktubre.

Facebook Comments