Nagiisip ng pang-disenyo ngayong Halloween? Subukan mong gawin itong DIY na Glow in the Dark Halloween Ghost
Mga Materyales na kakailanganin:
- Isang malaking clear plastic na pamaskong ornament.
- 1 hanggang 3 na glow sticks na kasya para sa ornament.
- Itim na bilugang pyeltrong (telang gawi sa lana o balahibo ng tupa) stickers o itim na pyeltrong hinugis na bilog.
- 6 na talampakang cheese cloth.
Proseso:
- Tanggalin ang bakal sa taas ng ornament. Ilagay ang glowing stick sa loob (hintayin munang gumabi bago baliin ang glow stick).
- Ilagay ang itim na pyeltrong sticker at idikit ito sa ornament para magsilbing mata.
- Hatiin ang cheese cloth sa 2 talampkan ( pwede rin itong hatiin sa ibat ibang sukat para magbigay ito ng dimensyon.
- Ilagay sa ibabaw ng ornament ang cheese clothe at itulak ang metal ring dito para lumabas at pwede ng isabit.
- At sa wakas pwede na natin itong pailawin sa gabi!
Source: http://domesticfits.com/2012/09/21/diy-glow-in-the-dark-halloween-ghost-craft/
Facebook Comments