LGU Echague, Isabela, Handa na Para sa Pagrampa ng 30 Kandidata ng Miss Earth 2018!

*Echague, Isabela- *Handa na sa ngayon ang LGU Echague, Isabela para sa nalalapit na Pagrampa ng nasa tatlumpung kandidata ng Miss Earth 2018 na gaganapin sa Sabado, October 27, 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Camille Teran, Information Officer ng LGU Echague, aniya tatlong taon na umanong naghahawak ng Miss Earth pageant ang bayan ng Echague at ito ay dahil na rin umano sa kanilang magandang pagtanggap at magandang ugnayan sa Organizer ng nasabing event.

Aniya, kasabay ng kanilang selebrasyon ng Mengal Festival ay nakatakda rin sa sabado ng gabi ang pagpapasiklaban ng mga kandidata sa pamamagitan ng kanilang Resorts Wear and Talent Portion Competition.


Dagdag pa ni Ms Teran na dalawang International event umano ang kanilang ihohost ngayong taon gaya ng Miss Earth 2018 at ang 1st International Hip Hop Dance Battle na magaganap ang Elimination round bukas habang ang Grand Final naman ay sa araw na ng biyernes, October 26, 2018.

Ang nasabing event ay sa pakikipagtulungan na rin umano ng mga alkalde ng ibat-ibang bayan sa Isabela at nakahanda na rin umano ang kanilang tanggapan para sa pag-accommodate sa mga pangunahing bisita para sa naturang big event.

Samantala, Una ng nagsimula noong October 1, 2018 ang Mengal Festival ng Echague at nakatakda itong magtapos sa October 28, 2018.

Facebook Comments