Ilang araw na lang napapalapit na ang Undas. Nakaugalian na natin ang bumusita sa sementeryo at magtirik ng kandila. Bukod diyan may mga kanyang kanyang tradisyon tayong naka ugalian lalo na ang pagluluto o pag hahanda ng mga suman , malagkit at ang pinaka di mawawala ay ang “Deremen”.
Ito ay isang lokal na version ng Pinipig na karaniwang mahahanap sa bayan ng Bayamabang, Bugallon at Mangatarem. Niluluto ang Deremen ng parang Biko na ginagamitan ng gata ng niyog at tintawag itong “Inlubi”.
Ngayong Oktubre pa lamang ay kabilaan na ang mga nagtitinda ng Deremen ang isang letse nito ay nasa 30 pesos pero ang isang “Lemon” nito ay umaabot ng 300 pesos. Aasahang tataas pa ang presyo ng Deremen pag sumapit na ang Araw ng Undas.
Meron din ba ito sa inyo?