Hindi lamang sementeryo para sa mga namatay na tao ang dinarayo tuwing Undas sa Pangasinan , kabilang dito ang Fish Cemetery sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)- National Integrated FisheriesTechnology Development Center(NIFTDC) Office sa Bonuan Binloc Dagupan City.
Ang Fish Cemetery sa Dagupan City ay ang kauna unahang fish cemetery sa buong Asya na itinayo taong 1999. Aabot ito sa 1, 312 square meters at unang inilibing dito si Moby Dick na isang giant sperm whale na natagpuan sa Malabon Manila.Ngayon mayroong 26 na sea creature ang nakahimlay dito at kasama ang ilang pagong, balyena at dolphin.
Nagsisimula ng dayuhin ang Fish Cemetery at aasahan na dadagsain pa ito sa aarw ng Undas. Magtatalaga ang PNP Dagupan ng mga kapulisan sa Fish Cemetery upang mabantayan ang seguridad ng mga taong dadalaw dito.
Ayon sa BFAR-NIFTDC ang pagtatayo ng Fish Cemetery ay paraan ng pagrespeto sa mga lamang dagat na naging dahilan ng pagiging balanse ng kalikasan.
Nagtayo rin ang NIFTDC ng Fish Cemetery sa Palawan at Zamboanga Del Norte.