Binisita ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang komunidad ng mga Muslim sa Las Piñas City bilang bahagi ng peace covenant o kasunduang pangkapayapaan na naglalayong ipakita ang pagkakaisa at makakuha ng suporta laban sa terorismo.
Suportado naman ng mga Muslim leader na ang peace covenant at nangakong babantayan ang karahasan na maaaring mangyari sa kanilang lugar.
Sinabi naman ni Southern Police District Director Police BGen. Gimelli Macaraeg na mas mapapaigting ngayon ang pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP), barangay at muslim community sa Las Piñas upang mamonitor ang mga bagong mukha na pumapasok sa kanilang komunidad.
Matapos ang pagpirma ng kasunduan ay nagkaroon ng simbolikong pagpapalipad ng kalapati.
Facebook Comments