Iligan City – Dinagsa ng mga turista ang ginanap na Diyandi Street Dancing Competition 2017 sa lungsod ng iligan kahapon.
Sa kabila ng mga banta ng seguridad, ipinagpatuloy ng mga organizer ang nasabing kompetisyon na may labin limang kalahok.
Masaya at walang pangamba sa seguridad ang ipaabot ng mga turista ng dumating sila sa iligan at nasaksihan ang magarbo at makulay na street dancing competition sa lungsod.
Ayon sa mga ito, iba ang una nilang impresyon sapagkat malapit lang sa lungsod ng marawi ang iligan kung saan nagpapatuloy pa ang bakbakan sa pagitan ng militar at ng mga teroristang grupo.
Ngayong araw, isang parada na naman ang gaganapin sa iligan na tinatawag na parada de san Miguel o ang civic military parade.
Tiyak na dadaluhan na naman ito ng mga turista at ng mga iliganon na nais masaksihan ang nasabing parada. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
| | Virus-free. www.avast.com |
Diyandi Street Dancing Competition sa Iligan dinagsa ng mga Turista, isyu sa Seguridad hindi inalintala
Facebook Comments