DJ Cha Cha sa panic buying, hoarding ng alcohol: ‘Lalala ang virus kung masyado kang selfish’

2716
DJ Cha Cha. Facebook photo

Binatikos ng radio jock na si Czarina Balba o DJ Cha Cha ang mga nagpa-panic buying ng sabon at alcohol, lalo ngayong linggo na lumobo ang kaso ng novel coronavirus.

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, sinabi ng DJ na nagpapalala lang ng sitwasyon ang “panic buying” at “hoarding”.

“‪Sa mga nagpa-panic buying ng Alcohol at Sabon… So malinis na malinis ka at ang pamilya mo pero dahil inubos mo yung supply sa grocery, paano yung ibang tao?” ani DJ Cha Cha.


“Mas lalo lang lalala ang Virus na yan kung masyado kang selfish at walang pake sa kapakanan ng iba,” dagdag niya.

Nabanggit niya rin ang mga umano’y namamakyaw ng alcohol sa mga tindahan para ibenta nang may malaking patong online.

“I heard yung iba nag-ho-hoard ng Alcohol para ibenta ng mas mahal online. Seryoso ba yan?” habol niya sa comment section.



“Sa ganitong panahon mas dapat nagtutulungan kaysa isahan mo yung kapwa mo. Wag ganyan ses!”

Sang-ayon naman ang karamihan ng netizens sa comment section ng naturang post.

Nitong Miyerkules, Marso 11, umakyat na sa 49 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Facebook Comments