Konduktor na Nahuli sa Buybust, Kinasuhan na!

103

Cauayan City, Isabela- Nasampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang konduktor na nadakip sa drug buybust operation kagabi na inilatag ng PNP Naguilian sa Brgy. Villa Paz ng naturang bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Garry Macadangdang, hepe ng pulisya, kinasuhan ang suspek na si Larry Lariosa, nasa hustong gulang, residente ng Brgy Villa Paz sa pamamagitan ng inquest proceedings matapos magpositibo ang inilatag na buybust ng kapulisan kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang dalawang sachet ng shabu at isang libo na marked money.

Ayon pa kay PMaj. Macadangdang, newly identified ang suspek subalit matagal nang minamanmanan ng kapulisan dahil bukod sa pagkukonduktor nito ay nagtutulak rin ito ng droga sa tuwing umuuwi sa Isabela galing sa byahe at ibinebenta sa kanyang mga parokyano.


Facebook Comments