Nagpaabot ng pakikiisa ang De La Salle Univeristy (DLSU) sa Ateneo de Manila Univeristy o AdMU sa ginagawa nilang pagdarasal hinggil sa nangyaring shooting incident.
Partikular na ipinagdarasal ng mga estudyante, faculty members at pamunuan ng La Salle ang mga biktima ng pamamaril sa loob ng unibersidad.
Kinabibilangan ito ni dating Lamitan Mayor Rose Furigay, executive asisstant nito at isang guwardiya na pawang mga nasawi sa insidente.
Ipinagdarasal din ng DLSU ang hustisya sa mga nabiktima ng shooting incident at matuldukan na ang mga karahasan
Ipinapanalangin rin ng buong komunidad ng DLSU ang pamilya ng mga biktima kung saan hinihiling nila na patnubayan sila ng maykapal sa oras ng kanilang pagdadalamhati.
Matatandaan na ang suspek sa pamamaril sa Ateneo na si Chao Tiao Yumol at sinampahan na ng patung-patong na kaso base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD).