Kukuha ng mga empleyado ang Department of Migrant Workers (DMW) para punan ang nasa 1,000 mga posisyon sa ahensya.
Sa aktibidad sa Malakanyang, inanunsyo ni DMW Sec. Susan Ople na magbubukas din sila ng 15 na regional offices at apat na karagdagang overseas labor posts o Migrant Workers Offices.
Nagpasalamat naman ni Ople kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tulong nito para maaprubahan ang halos ₱16 billion na pondo ng DMW ngayong taon.
Siniguro nito na patuloy nilang isusulong ang interes at kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya alinsunod sa kautusan ng pangulo.
Sa ilalim ng administrasyon ni PBBM, aabot sa 800,000 OFWs ang natulungang makahanap ng disenteng trabaho sa ibang bansa.
Nabigyan naman ng scholarships ang anak ng mga ito.