MRT-3, balik-operasyon na bukas

Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na balik-normal na ang operasyon nito bukas, January 3,2023.

Ito’y matapos magpatupad ito ng adjusted operating hours sa linya para sa selebrasyon ng Pasko at sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Bandang alas-4:36 ng umaga ang unang alis ng tren mula sa North Avenue station, at alas-5:18 ng umaga naman mula sa Taft Avenue station.


Samantala, ang huling biyahe ng tren ay balik na alas-9:30 ng gabi mula sa North Avenue station, at alas-10:11 ng gabi mula sa Taft Avenue station.

Pinaalalahanan naman ng pamunuan ng MRT-3 ang mga sumasakay sa tren na panatilihin ang pagsusuot ng facemask.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasasalita at pakikipagkwentuhan sa katabi o sa telepobo habang nasa loob ng mga tren.

Facebook Comments