Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang lahat ng 23 Filipino seafarers na sakay ng barkong tinamaan ng drone attack malapit sa isang daungan sa Yemen.
Ayon sa pahayag na inilabas ng DMW, naglalayag ang oil tanker malapit sa Yemeni port City ng Hodeida nitong Sabado nang salakayin ng mga rebeldeng Houthi ang naturang lugar.
Ibinahagi naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na nagtamo lamang ang barko ng bahagyang pinsala at magpapatuloy sa paglalakbay nito patungo sa susunod na daungan.
Dagdag pa ng kalihim, sila ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa international maritime authorities, shipping companies, local manning agencies upang alamin ang kalagayan ng iba pang mga Filipino seafarers na sakay ng mga barkong naglalakbay sa high risk areas at war-like zones.