
Kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na pumanaw na ang Filipino seafarer na malubhang nasugatan sa pag-atake ng mga rebelde sa Gulf of Aden.
Ang naturang Pinoy crew ay kabilang sa sakay ng MV Minervagracht na inatake noong Sept 29
Nakaligtas naman sa pag atake ang 19 na mga tripulante at agad silang nailipat sa ligtas na lugar
Inako naman ng Houthi rebels ang naturang pag-atake.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ng nasawing Pinoy seafarer.
Facebook Comments









