DMW, nagbabala sa OFWs sa naglipanang lending scam

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) kaugnay ng naglipana na naman na lending scam.

Ayon sa DMW, target ng naturang scammers sa Facebook ay ang OFWs.

Modus daw ng scammers ang pangako ng mabilis na pautang pero bago makautang ang OFWs, hihingan muna sila ng bayad tulad ng processing fee, document fee, final disbursement fee, at kung ano-ano pa.

Kapag nakapagbayad na ang OFW, wala naman itong matatanggap na loan.

Pinapayuhan naman ng DMW ang publiko na maging mapanuri sa katransaksyon at i-check muna kung rehistrado at lisensyado ang lending company.

Maaari anila itong masuri gamit ang Securities and Exchange Commission Check App.

Facebook Comments