
Target ng Philippine Drug Enforcement Unit o PDEA na maisailalim sa kanilang isinagawang random drug test ang 50 mga bus driver ng Five Star company ngayong maghapon.
Ayon sa PDEA, sa ngayon ay mahigit sa 20 mga bus driver pa lamang ang sumailalim sa random drug test sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang ihi o urine test upang malaman kung gumagamit ng iligal na droga ang mga bus driver na babiyahe sa iba’t ibang probinsiya.
Paliwanag ng PDEA, mahalaga ang kanilang isinagawang random drug test dahil nakasalalay sa mga bus driver ang buhay ng mga pasahero na luluwas sa kani-kanilang mga probinsiya upang gunitain ang Semana Santa.
Wala pang ipinalabas na resulta ang PDEA sa mga bus driver na sumailalim sa random drug test at hindi pa rin tiyak kung isasapubliko ng mga tauhan ng pdea ang mga bus driver na magpopositibo sa drug test.