DMW, naka-monitor sa sitwasyon ng OFWs sa Taiwan matapos ang tatlong pagyanig kaninang umaga

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakatutok sila sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Taiwan.

Ito ay matapos na tatlong beses na yanigin ng lindol ang Taiwan kaninang umaga.

Tiniyak naman ng DMW na nakipag-ugnayan na sa Manila Economic and Cultural Office (MECO)ang Migrant Workers Offices (MWOs) nila sa Taipei, Taichung at Kaohsiung.


Nakikipag-ugnayan din anila ang DMW sa local authorities sa Taiwan at sa Filipino communities at leaders sa mga apektadong lugar.

Ito ay bagamat wala namang naitalang mga pinsala o nasaktan sa mga pagyanig kaninang umaga.

Facebook Comments