DMW, nakiisa na rin sa hakbang na rerouting ng mga barko sa Red Sea para sa kaligtasan ng Pinoy seafarers

Nakiisa na rin ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pagsuporta sa hakbang ng malalaking shipping companies na pag-reroute sa mga barkong dumadaan sa Red Sea at Gulf of Aden.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng Filipino seafarers sa harap ng drone, missile, at rocket attacks sa marine vessels na bumabagtas sa itinuturing na key shipping route.

Dahil kasi sa mga pag-atake sa mga barkong dumadaan sa Red Sea at Gulf of Aden, nag-reroute na ang malalaking barko sa Cape of Good Hope sa dulo ng southern part ng Africa.


Ito ay bagama’t mas napapalayo sila ng 3,000 nautical miles mula sa kanilang normal na ruta at nadagdagan ang kanilang biyahe ng ilang linggo.

Nalalagay rin sa alanganin ang mga goods na dine-deliver ng mga barko dahil sa napahaba ang kanilang biyahe.

Una nang inirekomenda ng International Transport Workers’ Federation (ITF) ang pag-iiba ng ruta ng mga barko para matiyak ang kaligtasan ng mga sakay na seafarers.

Facebook Comments