Friday, March 20, 2026

DMW REGION 1 HELP DESK, INILUNSAD SA ALAMINOS CITY

Pormal na inilunsad ngayong araw sa Alaminos City ang bagong Department of Migrant Workers (DMW) Region 1 Help Desk, isang mahalagang hakbang upang mas mapalapit at mapabuti ang serbisyo ng ahensya para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sa rehiyon.

Kasama sa paglulunsad ang pakikipagtulungan sa Alaminos City OFW and Family Association, na nagsisilbing Migrant Desk Office upang magbigay ng mas mabilis, maaasahan, at madaling access sa mga programa, impormasyon, at tulong na iniaalok ng DMW.

Layunin ng Help Desk na maging pangunahing tulay sa pagitan ng mga OFW at ng pamahalaan, lalo na sa mga usapin tulad ng dokumentasyon, reintegration programs, labor concerns, at iba pang serbisyong pangmigrante. Ito rin ay magsisilbing sentro para sa pag-aalok ng suporta at gabay sa mga pamilya ng mga OFW na nasa lokalidad.

Ayon sa mga opisyal, ang pagkakaroon ng DMW Help Desk sa Alaminos City ay malaking tulong upang mapadali ang pagkuha ng serbisyo nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa malalayong lungsod.

Ang paglulunsad ng DMW Region 1 Help Desk sa Alaminos City ay bahagi rin ng mas malawak na programa ng Department of Migrant Workers upang palawakin ang kanilang serbisyo sa buong bansa at masigurong walang Pilipinong manggagawa ang maiiwan sa pagkuha ng tulong at impormasyon na kinakailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments