Kinumpirma ng Labor Department na sa susunod na taon pa magiging fully operational ang Department of Migrant Workers (DMW).
Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma kasabay ng paglagda nila ng joint circular para sa maayos na transition sa DMW ng anim na labor agencies ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kabilang sa agencies na ito ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Philippine Overseas Labor Offices (POLOs), International Labor Affairs Bureau (ILAB), National Reintegration Center for OFWs (NRCO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at National Maritime Polytechnic (NMP).
Naniniwala naman si Laguesma na malaking kaluwagan sa DOLE ang paglilipat sa DMW ng anim na attached agencies nito.
Magugunitang sa ilalim ng Republic Act 11641 ay naitatag ang Department of Migrant Workers.