Bilang ng bagong registrants sa COMELEC, halos 1-M na

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman Atty. John Rex C. Laudiangco na umaabot na sa 909,687 ang bagong registrants.

Halos 600,00 dito ay mga nasa edad 15 hanggang 17.

Halos 300,000 naman ang nagpatala na nasa edad 18 hanggang 30 habang halos 49,000 ang nasa edad 31 pataas.


Umaabot naman sa 1.2 million ang naproseso na ng COMELEC na aplikasyon kasama na ang mga dating botante na lumipat ng address, gayundin ang mga nag-update ng mga personal na impormasyon tulad ng apelyido, at mga na-deactivate na botante matapos mabigong bumoto nakalipas na dalawang halalan.

Facebook Comments