
Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na mahigpit nilang babantayan ang pondo para sa benepisyo ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at ng kanilang mga pamilya.
Kasunod ito ng sinasabing anomalya sa OWWA hinggil ₱1.4 billion land acquisition na hindi raw dumaan sa pag-apbruba ng board noong panahon ni dating OWWA Administrator Arnell Ignacio.
Tiniyak din ni Cacdac ang integridad at transparency sa kanilang pagbibigay ng serbisyo sa OFWs sa ilalim ng pamumuno ni bagong OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan.
Una nang inihayag ni Cacdac na sinibak at hindi nag-resign si Ignacio dahil sa aniya’y loss of trust and confidence.
Facebook Comments









