DMW, tiniyak na tinututukan ang kaso ng Pinay na hinalay at pinatay sa Jordan

Tiniyak ng na tinututukan nila ang kaso ng babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na hinalay at pinatay ng anak ng kanyang amo sa Jordan.

Ayon kay DMW Usec. Bernard Olalia, nagpadala na sila ng abogado sa Jordan na tututok sa nasabing kaso.

Kinumpirma rin ni Olalia na nahuli na suspek sa pagpatay sa nasabing Pinay.


Una nang dumating sa bansa kahapon ang labi ng naturang OFW.

Hindi muna ito pinangalanan ng DMW dahil na rin sa kahilingan ng pamilya.

Facebook Comments